Binigyan ng bridal shower si Maine Mendoza sa E.A.T

Binigyan kahapon ng bridal shower si Maine Mendoza sa E.A.T.

Sa weekend na ang kasal nila ni Arjo Atayde sa Baguio.

Sa Spain ang original plan ng ikakasal pero marami raw kailangang documents hindi lang sa ikakasal kundi sa mga magiging bisita rin nila kaya nag-decide na lang daw ang dalawa na dito na lang ito sa Pilipinas ganapin. “Alam kong masaya kayo para sa tatahakin kong journey as a wife…wow, wife era. Thank you, thank you,” sabi niya Maine kahapon na emosyonal.

Nagsimula ito sa song na Single Ladies ni Ryzza Mae Dizon sa kanilang Da Bar Dabarkads Eatery, na sinundan ng iba pang song numbers nina Joey Generoso, Carren Eistrup, at Ice Seguerra.

May pahabol namang pasasalamat si Maine sa kanyang tweet: “Napaka saya ng puso ko. I am so blessed and I am truly grateful. Maraming salamat sa lahat, Lord. Maraming salamat sa pag tanggap at sa pagmamahal, dabarkads. Mula noon hanggang ngayon. 14344!”

This month din ikakasal si Maja Salvador na gaganapin naman sa Bali, Indonesia.

Martin, nagluksa sa pagkamatay ng legendary singer na si Tony Bennett
Isa si Martin Nievera sa naapektuhan sa pagpanaw ng legendary singer na si Tony Bennett kahapon. “Today we lost the lead balladeer … such a sad moment for all singers and music lovers of all ages. Let his spirit live in all his songs and what a that beautiful velvet voice. We will miss you. #riptonybennett,” post ni Martin.

Ganundin si Gary Valenciano. “A man who truly lived a full life…and with his magnificent voice, helped enrich ours.

“You will forever be a part of us.

“Rest now in His peace Sir Tony Bennett.”

Siya ay namatay sa edad na 96.

Kasama ang ibang classic songs niya sa tumatak kina Martin at Gary na naririnig sa tuwing nagkakaroon sila ng concert.

Siya ay namatay sa edad na 96.

Kabilang sa mga classic song niya ang Left My Heart in San Francisco, The Best is Yet to Come, Rags to Riches, Because of You at marami pang iba.

WELLINGTON — Hindi kakabahan ang Filipinas sa pagsagupa sa host New Zealand para sa kanilang ikalawang laro sa 2023 FIFA World Cup Women’s Group A.

Bukod sa mga Football Ferns ay haharapin din ng mga Pinay booters ang 34,000 fans sa Wellington Regional Stadium sa ala-1:30 ng hapon (Manila time).

“Traditionally, being a host nation or a home team in any game of football has been an advantage, in over 150 years of football,” sabi ni Filipinas coach Alen Stajcic. “But fortunately, we don’t have to play against 25,000 people; we only have to play against 11.”

Idinagdag ng Australian mentor na sanay na ang kanyang mga bataan na maglaro sa harap ng mara­ming fans.

Sa 0-2 kabiguan sa World No. 20 Switzerland noong Biyernes ay naglaro ang Filipinas sa harap ng higit sa 13,000 fans sa Forsyth Barr Stadium sa Dunedin para sa una nilang FIFA Women’s World Cup match.

“There will probably be a lot of Filipino fans as well. The other night, it was 70, 80 percent Filipino fans. We have good preparation in that, by luck. We’ve had quite a number of games including the final at the Rizal where there were 8,000 or thereabouts,” ani Stajcic.

Tinalo ng New Zealand ang Filipinas, 2-1, sa kanilang friendly match noong Setyembre ng nakaraang taon sa Fullerton, California.

Ang first-half goal ng mga Pinay ay nagmula kay Sarina Bolden.

“So you wanna go out there and give it your best shot. So I think that as motivating as it is for New Zealand, I think it is for our team as well,” dagdag ni Stajcic.

BENTENGTOTO
BETSLOT77
BETWIN77
BIGOSLOT
BIGQQ
BIMO88
BLACK88
BONGSBO
BOS77
BRO88
BTV138
CAIR188
CAKRASLOT
CERI77
CERISLOT
CINTASLOT
MAFIAWIN
JUDIHUB88
KOINEMAS88
BETSLOT777
SAHABAT777
JUDISLOT88
CASINO88
KINGSLOT
KILAT777
KINGBET
BOS888
EMAS138
MACAUSLOT
TUANSLOT
PANEN777
SLOT288
ASIA777
JENDRAL88
HAPPYBET88
INDOBET88
MPO1771
MPO787
ASIA88
EMAS88
ROYALBET88
ISTANA99
RAJAQQ99
LIGASLOT

اترك تعليقاً

لن يتم نشر عنوان بريدك الإلكتروني. الحقول الإلزامية مشار إليها بـ *

X